Sabado, Setyembre 28, 2013

Kyutty Pou

Ang Pou ay isang laro para sa Android kung saan ikaw ay magaalaga ng isang alien na tila isang patak ng ulan o kaya nama’y kahugis ng hershey’s chocolate. Ang gagawin mo lamang ay mag-aalaga, papakainin, makikipaglaro dito at siguraduhing siya ay malinis at busog. Ito ay mas bongga at mas maganda sa lumang tamagotchi na umuso noong 1990s.



May apat na pangangailanagan ang iyong pou upang mabuhay: Pagkain, Kalusugan, Kasiyahan at Enerhiya o Lakas. Makikita ang lebel ng mga pangangailangan ito sa itaas ng screen. Isubo lamang kay pou ang pagkain patungo sa kanyang bibig, paliguan at linisin ito sa pamamagitan ng sabon sa katawan nito at patulugin ito sa pamamagitan ng pagpatay ng ilaw sa kanyang tulugan kapag gabi na at pagod na ito.Ang pinakamasayang bahagi ng pag-aalaga kay Pou ay ang paglalaro sa kanyang palaruan kung saan sa tuwing maglalaro ka at madaragdagan ang kasiyahan ng iyong alaga. Mayroong pitong klase ng laro na maaring laruin sa kanyang palaruan kabilang na dito.


Ang iyong puntos na makukuha ay may katumbas ng barya kung saan magagamit mong pambili ng anumang kailanagn ni pou tulad ng pagkain,damit, at kung anu-anupang gamit. Maari ka ding makabili ng karagdagang barya.Hindi tulad ng ibang totoong alaga, ang makabagong Pou ay hindi agad agad maglalaho subalit ang larong ito ay katuwatuwa at paniguradong magtatagal.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento